"Respetuhin niyo na lang po desisyon nila na bumukod."
Ganitong klaseng komento ang makikita sa isang social media post tungkol sa 'di umano'y pusa na lumayas kasama ang tatlong anak nito.
Sa isang Facebook group na "Cats and Kittens Philippines," nag-post ang anonymous member tungkol sa pusa niyang lumayas daw.
"'Yung pusa namin, lumayas kasama tatlo niyang anak. 'Di ko alam kung ano dahilan. 'Yung mga kuting is mga 3 months old na. 'Di ko alam bakit sumama sa ina nila," saad niya mga 6:23 ng gabi nitong Biyernes, Hulyo 5.
Sa comment section bandang 7:00 ng gabi, sinabi niyang bumalik 'yung mama cat.
"Update: Bumalik 'yung mama cat, kaso wala 'yung tatlo niyang anak. Ito pinagalitan ko," anang anonymous member.
Bandang 8:48 ng gabi, nagbigay ulit siya ng update: "Wala pa rin 'yung mga kuting. Ewan ko rito sa pusa namin. Basta yata puti may mga something talaga sa pag-uugali."
Dahil talagang mataba ang utak ng mga Pinoy. Kaniya-kaniya sila ng comment tungkol doon sa pusa. Hinalintulad pa nga nila ito sa totoong tao na may pamilya na.
"
Samantala, wala nang update ang anonymous member kung nakauwi na ba ang tatlong kuting.