October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Alden Richards, Kathryn Bernardo magka-date sa GMA Gala 2024?

Alden Richards, Kathryn Bernardo magka-date sa GMA Gala 2024?
Photo Courtesy: Alden Richards, Kathryn Bernardo (IG)

Tila makikita raw ng KathDen fans sina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Asia’s Multimedia Star Alden Richards nang magkasama sa darating na GMA Gala 2024. 

Sa isang episode kasi ng Marites University noong Huwebes, Hulyo 4, binanggit ng host na si Ambet Nabus ang tungkol sa mga host ng “It’s Showtime” na inimbitahan ni GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group Antonette Gozon-Valdez sa naturang event.

“Kasi in-announce ni Miss Antonette Gozon-Valdez na imbitado ang lahat ng taga-’It’s Showtime.’ Tinanong kung may mga iba rin daw bang mga taga-ABS o Kapamilya na mai-invite. Definitely, mayro’n. Tapos na-connect na rin kay Alden,” saad ni Ambet.

Dagdag pa niya: “So, humuhopia ang mga KathDen fans na sana nga raw matuloy this time. Makita na nila para validation daw sa kanila ‘yon na may something ngang deeper between the two of them.”

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Matatandaang sa isang episode ng “Showbiz Updates” ni showbiz insider Ogie Diaz ay naitsika niya ang tungkol sa umano’y madalas na pagdalaw ni Alden sa bahay ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden panay raw dalaw sa bahay ni Kathryn, tinuturuang magmaneho?

Bago pa man ito, nauna na silang naispatang magkasamang nanood ng pelikula sa BGC.

MAKI-BALITA: Alden, Kathryn naispatang magkasamang nanonood ng pelikula

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag ang dalawa para pabulaanan o kumpirmahin kung may relasyon ba silang dalawa maliban sa isang panayam ni Alden kung saan niya sinabi ang isang makahulugang “what you is what you get” nang tanungin siya tungkol sa namamagitan sa kanila ni Kathryn.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’