January 25, 2026

Home BALITA National

Trillanes, sinampahan ng 'plunder, graft complaints' sina Ex-Pres. Duterte, Sen. Go

Trillanes, sinampahan ng 'plunder, graft complaints' sina Ex-Pres. Duterte, Sen. Go

Naghain si dating Senador Antonio Trillanes IV ng plunder at graft complaints laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go sa Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes, Hulyo 5.

May kinalaman umano ang naturang pagsampa ni Trillanes ng kaso laban kina Duterte at Go sa umano’y anomalya sa kabuuang ₱6.6 billion government projects.

“Ito ay tungkol sa mga government projects, totally ‘yung ₱6.6 billion na in-award nila doon sa tatay at kapatid ni Bong Go,” ani Trillanes sa panayam ng mga mamamahayag.

“Ito po ay maliwanag na plunder. At lahat ng elemento ng plunder charge ay nandirito sa kaso na ito,” dagdag niya.

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

*Ito ay isang developing story.