Bumagal sa 3.7% ang inflation sa bansa nitong Hunyo mula sa 3.9% na datos noong buwan ng Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Biyernes, Hulyo 5.
Sa tala ng PSA, ang naturang pagbaba ng inflation noong nakaraang buwan ang nagbunsod sa 3.5% na national average inflation mula Enero hanggang Hunyo 2024.
Mas mababa rin daw ang naturang datos nitong Hunyo kung ikukumpara sa inflation rate noong Hunyo 2023 na 5.4%.
“The downtrend in the overall inflation in June 2024 was primarily influenced by the slower annual increment of housing, water, electricity, gas and other fuels at 0.1 percent during the month from 0.9 percent in May 2024,” anang PSA.
“Also contributing to the downtrend were the slower annual increases in the indices of transport with 3.1 percent in June 2024 from 3.5 percent in May 2024, and restaurants and accommodation services with 5.1 percent inflation in June 2024 from 5.3 percent inflation in the previous month,” dagdag nito.
Samantala, binanggit din ng PSA na nakita ang mas mabagal na annual increase sa mga index ng mga sumusunod na commodity groups sa naturang buwan:
a. Alcoholic beverages at tobacco, 3.8% mula 4.2%;
b. Clothing at footwear, 3.2% mula 3.4%;
c. Furnishings, household equipment and routine household maintenance, 2.8% mula 3.1%; at
d. Personal care, at miscellaneous goods and services, 3.2% mula 3.4%.