January 22, 2025

Home BALITA National

PBBM, inatasan si Angara na alagaan mga guro: 'Make sure they are in good place'

PBBM, inatasan si Angara na alagaan mga guro: 'Make sure they are in good place'
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos; Incoming Deped Chief Sonny Angara/FB

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si incoming Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na alagaan at siguruhin ang kapakanan ng mga guro upang mas mapagtuunan daw ng mga ito ang kanilang pagtuturo sa mga estudyante.

Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Biyernes, Hulyo 5, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marcos na ang pag-aalaga sa mga guro, kasama na sa usaping pinansyal, ay susi sa tagumpay ng alinmang programa ng DepEd.

"The key to any successful program in the DepEd are the teachers so I said we have to take care of the teachers. Of course financial, to make sure that they can feed their families," ani Marcos.

"We tend to forget sometimes that teachers have families. We see them just as teachers. They have families, they have to take care of their family, and they cannot teach properly kung inaalala nila ‘yung lagay ng pamilya nila so we have to make sure that they are in a good place so that the teachers can concentrate on actual teaching," dagdag niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ayon pa sa pangulo, kinausap din niya si Angara na muling sanayin ang mga guro lalo na raw sa gitna ng iba’t ibang pag-unlad sa teknolohiya.

"The other part of it is the retraining because ang bilis, we all know, ang bilis ng development lalo na sa technology na within one year obsolete na, within two years obsolete na kaya kailangan turuan natin ulit so that's what w e will do," saad ni Marcos.

Matatandaang noong Martes, Hulyo 2, nang ianunsyo ng pamahalaan ang pagtalaga ni Marcos kay Angara bilang bagong DepEd chief.

MAKI-BALITA: Sen. Sonny Angara, itinalaga bilang bagong DepEd secretary

Ang naturang pagtalaga kay Angara ay matapos namang magbitiw ni Vice President Sara Duterte sa ahensya noong Hunyo 19, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Dahil dito, magsisimula ang panunungkulan ni Angara sa DepEd sa darating na Hulyo 19, 2024.