Inamin ni dating Manila City Mayor Isko Moreno na hindi raw muna niya iniintindi ang politika sa kasalukuyan dahil sa iba nakatutok ang atensyon niya.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP nitong Biyernes, Hulyo 5, sinabi umano ni Isko na nakatuon siya ngayon sa pagtuloy na pagtupad sa obligasyon niya bilang artista.
“I don't think it's on the top of my mind right now. I truly love serving the people. Half of my life, 24 years of working, was dedicated to public service,” pahayag ni Isko.
“In fact, still, today, I continue to share some ideas to some officials of the country and some localities. Ngayon, ipinagsasalamat ko sa Diyos kung saan man ako ngayon at ipinagpapasalamat ko sa taong-bayan for giving me opportunity of service,” wika niya.
Dagdag pa niya: “Hindi iyon mawawala sa puso ko. Hindi ko lang siya masyadong iniintindi ngayon dahil I continue to fulfill my obligation as an artist of GMA-7 under Sparkle."
Matatandaang nauna nang binanggit ng anak ni Isko na si Joaquin Domagoso sa isang panayam noong Abril ang tungkol sa mga lumalapit sa ama niya para sumangguni rito.
MAKI-BALITA: Kahit hindi na Yorme: Isko, nilalapitan pa rin ng mga tao
Sa kasalukuyan, mapapanood si Isko sa primetime series na “Black Rider” at mapapabilang din umano sa dalawang shows sa California, USA, para sa Sparkle World Tour 2024.