January 22, 2025

Home BALITA National

Go sa isinampang kaso ni Trillanes sa kanila ni FPRRD: 'Our conscience is clear'

Go sa isinampang kaso ni Trillanes sa kanila ni FPRRD: 'Our conscience is clear'
MULA SA KALIWA: Senador Bong Go at dating Senador Antonio Trillanes (Photo courtesy: Go/FB; Arnold Quizol/MB)

Itinanggi ni Senador Bong Go na may katotohanan ang tungkol sa kasong plunder at graft na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa kanila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nitong Biyernes, Hulyo 5, nang maghain si Trillanes ng plunder at graft complaints laban kina Go at Duterte sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng umano’y anomalya sa kabuuang ₱6.6 billion government projects.

“Ito ay tungkol sa mga government projects, totally ‘yung ₱6.6 billion na in-award nila doon sa tatay at kapatid ni Bong Go,” ani Trillanes sa panayam ng mga mamamahayag.

MAKI-BALITA: Trillanes, sinampahan ng 'plunder, graft complaints' sina Ex-Pres. Duterte, Sen. Go

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa isa namang pahayag nito ring Biyernes na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Go na kahit hindi pa raw niya nakita ang kopya ng naturang reklamo ni Trillanes ay naniniwala siyang ito ay may kinalaman sa mga akusasyong ibinabato sa kanila mula pa noong 2018. 

“Nevertheless, I welcome these moves to finally put an end to these often recycled issues against us,” pahayag ni Go.

“Mabuti nang silipin sa mga akusasyong ito, may irregularity ba talaga? May naging transaksyon ba na disadvantageous sa government? May nanakaw ba? At may linkages ba sa akin na nagsasabing nakinabang ako sa anumang transaksyong ito?” 

“COA (the Commission on Audit) can find out. And, if there is, it is for COA to file the necessary charges,” saad pa niya.

Samantala, muli ring iginiit ng senador na hindi umano nakinabang ang kaniyang pamilya mula sa kaniyang pagiging isang opisyal ng pamahalaan, at bago pa raw siya ipinanganak ay mayroon na silang mga negosyo.

“What I assure, I did not benefit and my family did not benefit from my being a government person. Even if you ask, my relatives can't even approach me—even my own father and half-brother—to negotiate any project or contract with the government,” ani Go.

“For a simple provincial like us and former President Duterte, we keep our name. Our conscience is clear because from then until now, we have delicadeza,” saad pa niya.