December 23, 2024

Home BALITA Metro

'Boy Dila,' nakaharap na ang binasa niyang rider

'Boy Dila,' nakaharap na ang binasa niyang rider
Photo Courtesy: Mayor Francis Zamora (FB)

Nagkita na nang personal si Lexter Castro alyas "Boy Dila” at ang rider na binasa niya sa pamamagitan ng water gun sa ginanap na Wattah Wattah Festival kamakailan.

Sa Facebook post ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Biyernes, Hulyo 5, sinabi niya na humingi na raw ng paumanhin si Boy Dila sa rider.

“Kahapon, pumunta na po si manong rider sa aming tanggapan at ngayon araw po ay nakapagharap na sila ni Lexter sa ating opisina,” lahad ni Zamora.

“Humingi si Lexter ng paumanhin kay manong rider at hinandugan niya ito ng helmet at kapote.Tinanggap ni manong rider ang paumanhin at pinatawad niya si Lexter sa mga nagawa nito sa kanya,” aniya.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Dagdag pa niya: “Nawa'y magsilbing leksyon ito sa ating lahat na parati tayong dapat magbigay ng respeto sa kapwa at huwag tayong gumawa ng anumang bagay na maaaring makasakit sa ibang tao, pisikal man o emosyonal.”

Matatandaang matapos mahanap ni Zamora si Boy Dila kamakailan ay pinaharap niya ang huli sa media para humingi ng public apology.

MAKI-BALITA: San Juan City Mayor Zamora at Boy Dila, nagkaharap na