January 23, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Aso na halos lumuwa ang mata, na-rescue; PAWS, umaapela ng donasyon

Aso na halos lumuwa ang mata, na-rescue; PAWS, umaapela ng donasyon
photos courtesy: Philippine Animal Welfare Society (PAWS)/FB

Na-rescue na ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang isang aso sa Quezon City na halos lumuwa ang mata. 

Nag-viral kamakailan ang post ng isang concerned netizen na si Gina Prudencio kung saan nanghingi siya ng tulong para ma-rescue ang aso sa 17th Avenue sa Cubao, Quezon City.

Hindi na umano makalakad ang aso at may malubhang sugat ito sa mata. 

Sa Facebook post ng PAWS, isinailalim na sa medical checkup si Liesl, na tinawag ding Raprap. 

Kahayupan (Pets)

AKF, muling kinondena Pasungay Festival

"Liesl, also called 'Raprap,' was reported by a concerned citizen to be unable to walk and suffering from a severe eye condition.

"She was rescued from 17th Avenue in Cubao and given immediate medical attention at PAWS. She urgently needs to undergo X-rays for various parts of her head and body," saad ng PAWS.

Sa panayam ng ABS-CBN news kay kay John Tangkeko ng PAWS, maaaring dulot umano ng pagpalo sa ulo, pagkabundol, o pakikipag-away sa ibang aso ang naging dahilan ng pagluwa ng mata ni Liesl.

Samantala, umaapela ng donasyon ang PAWS para sa pangangailangan ni Liesl.

Kung sinuman ang nais tumulong kay Liesl. I-check lamang ang post ng PAWS.

Maaari ring tingnan ang detalye rito: