November 22, 2024

Home BALITA National

PBBM, masaya sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

PBBM, masaya sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Nagpahayag ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa koponan ng Gilas Pilipinas matapos nilang manalo kontra sa world No. 6 Latvia sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

“64 years in the making and worth every second! ,” ani Marcos sa isang Facebook post nitong Huwebes, Hulyo 4.

“Congratulations to Gilas Pilipinas for their victory against world number 6, Latvia, at the FIBA Olympic Qualifying Tournament,” dagdag niya.

Ipinaabot din ng pangulo ang kaniyang suporta sa Gilas Pilipinas para sa Paris Olympics.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“We are all cheering you on from home—let’s shoot for Paris Olympics! Good luck! ” saad ni Marcos.

Nitong Huwebes nang makamit ng Gilas Pilipinas ang tagumpay sa FIBA ​​Olympic Qualifying Tournament matapos nilang talunin ang host at world No.6 Latvia sa makasaysayang score na 89-80.