December 22, 2024

Home BALITA National

Padilla, 'natawa' sa pagkonsidera ng PNP na kasuhan si FPRRD dahil kay Quiboloy

Padilla, 'natawa' sa pagkonsidera ng PNP na kasuhan si FPRRD dahil kay Quiboloy
(file photo)

Nagbigay ng reaksyon si Senador Robinhood “Robin” Padilla sa pagkonsidera ng Philippine National Police (PNP) na kasuhan si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtatago umano nito kay Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaang sa isang press conference kamakailan ay sinabi ni Duterte na alam niya kung nasaan si Quiboloy, ngunit “secret” lang daw ito.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, alam kung nasaan si Pastor Quiboloy: 'Pero secret!'

Dahil dito, sinabi ng PNP na pinag-aaralan na kung kakasuhan ba si Duterte ng “obstruction of justice” dahil sa naturang pahayag.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa isa namang panayam ng Senate reporters nitong Huwebes, Hulyo 4, sinabi ni Padilla na huwag daw sanang “sumobra” ang PNP dahil posible umanong nagbibiro lang ang dating pangulo.

“Nakakatawa naman ‘yan. Ako’y nag-aral din ng criminology noong araw. Medyo huwag naman tayo–sumobra naman tayo sa ano... Pagkaganoong nagsalita lang ‘yung tao eh hindi mo nga alam kung nagbibiro ‘yung tao o seryoso,” ani Padilla.

“Siguro ang pwede nilang hingin diyan, hingan nila si ex-president ng, sabihing ‘ano ba ang official statement ninyo’ kasi baka nagbibiro lang ‘yung tao,” saad pa niya.

Si Duterte ang kasalukuyang administrator ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Quiboloy.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinalaga bilang property administrator ng KOJC ni Quiboloy

Samantala, matatandaang noong Hunyo 10, 2024, ay nagtungo ang mahigit 100 pulis sa compound ng KOJC sa Davao City upang isilbi ang warrants of arrest ni Quiboloy na inisyu ng Pasig City court para umano sa mga kasong qualified human trafficking cases na isinampa laban sa kaniya at sa limang iba pa.

Sa kabila nito, hindi nila nakita ang pastor at ang abogado nito ang tanging tumanggap ng nasabing warrant.

MAKI-BALITA: Mahigit 100 pulis, pinasok KOJC compound para sa warrants ni Quiboloy

Bukod naman sa mga kaso ng qualified human trafficking, nahaharap din ang pastor sa mga kasong child at sexual abuse.