January 22, 2025

Home BALITA

Makabayan bloc, target bumuo ng 12 senatorial candidates para sa 2025 -- Castro

Makabayan bloc, target bumuo ng 12 senatorial candidates para sa 2025 -- Castro
Rep. France Castro (MB file photo)

Ipinahayag ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na target ng Makabayan bloc na makabuo ng 12 senatorial candidates mula sa iba’t ibang sektor, lalo na sa “marginalized sector,” para sa 2025 midterm elections.

“Mag fi-field tayo ng mga representante ng bawat sektor, lalong lalo na yung marginalized sector, ‘yung mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, mga Indigenous People, urban poor, kababaihan, at mga professionals,” ani Castro sa isang press conference nitong Huwebes, Hulyo 4, na inulat ng Manila Bulletin.

“Open kami, ang target talaga namin ay makabuo ng 12, pero open kami na may sumali sa amin,” dagdag niya.

Dagdag pa ng teacher solo, nakikipag-usap na raw ang Makabayan block sa iba pang mga grupo, tulad ng Liberal Party (LP), para sa pagbuo ng isang “opposition slate” sa Senado.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“‘Yung magiging kaalyado namin ‘yung with the same principles as us. Hindi ‘yung dahil nakikipag-alyado ka lang dahil gusto mong manalo sa eleksyon, hindi ganoon,” giit ni Castro.

“So, prinsipyado kaming makikipag-alyansa sa ibang mga partido on the basis of principle,” saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ni Castro na tatakbo siya bilang senador sa 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: Rep. France Castro, tatakbong senador sa 2025: ‘Para sa tunay na pagbabago'