July 19, 2024

Home BALITA Probinsya

Mag-asawang bitbit ang bangkay ng anak na sanggol, patay sa aksidente

Mag-asawang bitbit ang bangkay ng anak na sanggol, patay sa aksidente
Photo courtesy: Screenshot from GMA Regional TV "One Mindanao/Balitambayan

Namatay ang mag-asawa sa Zamboanga Del Norte matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang pick-up truck nitong Miyerkules, Hulyo 3.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One Mindanao," naganap ang aksidente sa Leon B. Postigo, habang pauwi ang mag-asawa sa bayan ng Sindangan. Dala-dala umano ng ina ang bangkay ng kanilang sanggol na anak na i-uuwi na nila sa kanilang bahay, habang ang mister naman ay nagmamaneho. May dalawa pa umanong kasama ang mag-asawa na lulan naman ng hiwalay na motorsiklo.

Nagkasagian daw ang dalawang motorsiklo hanggang sa maigiya ng mister ang motorsiklo sa kabilang linya ng kalsada, kung saan paparating naman ang truck.

Sa sobrang lakas ay tumilapon daw ang mag-asawa pabalik sa kanilang lane. Isinugod pa sila sa ospital subalit idineklara silang dead on arrival.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Hindi naman natiyak ang ikinamatay ng isang buwang sanggol na bitbit nila.

Nasakote ng pulisya ang driver ng truck subalit hindi na raw magsasampa ng kaso ang pamilya ng mag-asawa, basta't tutulong sila sa pagpapalibing ng mga namatay.