November 22, 2024

Home BALITA National

FPRRD, posibleng 'nagbibiro' lang na alam niya kung nasaan si Quiboloy -- Padilla

FPRRD, posibleng 'nagbibiro' lang na alam niya kung nasaan si Quiboloy -- Padilla
MULA SA KALIWA. Senador Robin Padilla, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pastor Apollo Quiboloy (Facebook; MB file photo)

Iginiit ni Senador Robinhood “Robin” Padilla na posibleng nagbibiro lamang umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong alam niya kung nasaan si Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ito ni Padilla bilang reaksyon sa naging pahayag ng Philippine National Police (PNP) na kinokonsidera nilang kasuhan si Duterte ng “obstruction of justice.”

MAKI-BALITA: Padilla, 'natawa' sa pagkonsidera ng PNP na kasuhan si FPRRD dahil kay Quiboloy

Ito ay matapos sabihin ni Duterte sa isang press conference sa Tacloban City kamakailan na alam niya ang kinaroroonan ng pastor, ngunit “secret” lang daw ito.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, alam kung nasaan si Pastor Quiboloy: 'Pero secret!'

Ayon naman kay Padilla nitong Huwebes, Hulyo 4, dapat daw hingin ang opisyal na pahayag ng dating pangulo hinggil sa isyu dahil maaaring nagbibiro lamang daw ito nang kaharapin nito ang media sa naturang press conference sa Tacloban.

“Nakakatawa naman ‘yan. Ako’y nag-aral din ng criminology noong araw. Medyo huwag naman tayo–sumobra naman tayo sa ano... Pagkaganoong nagsalita lang ‘yung tao eh hindi mo nga alam kung nagbibiro ‘yung tao o seryoso,” ani Padilla.

“Siguro ang pwede nilang hingin diyan, hingan nila si ex-president ng, sabihing ‘ano ba ang official statement ninyo’ kasi baka nagbibiro lang ‘yung tao,” saad pa niya.

Si Duterte ang kasalukuyang administrator ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ni Quiboloy.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, itinalaga bilang property administrator ng KOJC ni Quiboloy

Samantala, kasalukuyang nahaharap si Quiboloy sa child molestation, human trafficking, rape at sexual abuse, kung saan naghain na kamakailan ang mga korte ng Davao at Pasig City laban sa pastor.