January 22, 2025

Home BALITA National

Cayetano, 'nang-gaslight' sa Senate hearing -- Binay

Cayetano, 'nang-gaslight' sa Senate hearing -- Binay
Senador Nancy Binay at Senador Alan Peter Cayetano (Courtesy: Senate/FB)

Matapos mag-walk out, iginiit ni Senador Nancy Binay na nang-gaslight umano si Senador Alan Peter Cayetano sa isinagawang pagdinig ng Senado hinggil sa pagpapatayo ng bagong Senate building.

Matatandaang sa hearing ng Senate Committee on Accounts nitong Miyerkules, Hulyo 3, nag-walk out si Binay matapos silang magkainitan ni Cayetano, kung saan kinuwestiyon ng senadora kung paano umabot sa halagang ₱23 bilyon ang budget ng Senate building, dahil hindi umano ito makikita sa mga dokumento ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Binay, ₱21 bilyon lamang umano ang kasalukuyang budget ng bagong Senate building.

Samantala, iginiit pa rin ni Cayetano na ₱23 bilyon ang kabuuang pondo dahil bukod daw sa  naturang ₱21.7 bilyon ay kasama rin daw dito ang ₱1.6 bilyon sa pagbili ng lupa.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

MAKI-BALITA: Binay, nag-walk out nang makainitan si Cayetano sa Senate hearing

MAKI-BALITA: Cayetano sa pag-walk out ni Binay: 'Nabuang ka na, Day! Senado 'to, hindi palengke!'

Samantala, sa isang Facebook post ay sinabi ni Binay na hindi umano makapagpaliwanag nang maayos ang DPWH sa naturang pagdinig dahil binabara daw sila ni Cayetano.

“Yung bisita natin mula sa DPWH hindi makapagpaliwanag [nang] maayos dahil binabara mo kapag hindi pasok sa gusto mong marinig ang paliwanag nila,” ani Binay.

“Noong ako na ang bumaba para ituwid ang mga iniimbento mong numero, pinasaringan mo naman nang ganito ang media.”

“Gaslight much, Sen Alan?” saad pa ng senadora.

Matatandaang si Binay ang dating chairperson ng Senate Committee on Accounts. Si Cayetano naman ang bagong itinalaga sa pwesto matapos magbitiw ng senadora nang patalsikin kamakailan si Senador Migz Zubiri bilang Senate president.

MAKI-BALITA: ALAMIN: 15 senador na bumotong patalsikin si Zubiri bilang Senate president