Namahagi ng tulong ang sikat na social media personality at paresan owner na si "Diwata" sa mga taong naninirahan sa lansangan, lalo na sa mga nakasama niya noon sa ilalim ng tulay.
Sa kaniyang latest vlog, hands-on na nag-repack si Diwata ng ilang grocery items para ipamahagi sa mga taong walang sariling tahanan, at ginawang bahay ang mga kalsada at iba pang lugar.
"Binalikan natin ang dati natin tirahan at nag bigay tayo nang tulong sa kanila," mababasa sa caption ng kaniyang vlog.
Binalikan tuloy ni Diwata ang mga alaala noong siya ay walang-wala pa, at kagaya ng mga tinulungan niya, ay kung saan-saan lamang nakakarating upang makahanap ng pagkain at pang-survive sa araw-araw.
Bukod sa grocery items ay namahagi rin si Diwata ng kaniyang sikat na pares overload.
Nagtungo rin si Diwata sa kaniyang "dating kuta" o tinitirhang ilalim ng tulay at binisita ang mga dati niyang nakasama. Sinadya rin niya ang dating puwesto ng paresan at binigyan ng tulong ang mga dating nakakasama.
Aniya, sulit na sulit sa pakiramdam na ibahagi ang mga biyayang natatanggap niya para sa mga dating nakakahalubilo at nangangailangan.
Kasama ni Diwata ang kaniyang team at isang afam na vlogger na si Alex.
(2) Binalikan natin ang dati natin tirahan at nagbigay tayo nang tulong sa kanila - YouTube