December 23, 2024

Home BALITA

Zamora sa 'perwisyo' ng Wattah Wattah Festival: 'Babawi tayo San Juan!'

Zamora sa 'perwisyo' ng Wattah Wattah Festival: 'Babawi tayo San Juan!'
Photo courtesy: Screenshot from Mayor Francis Zamora (FB)/Mark Balmores via MB

Ipinangako ni San Juan City Mayor Francis Zamora na "babawi" ang San Juan sa hindi matigil-tigil na isyu kaugnay sa ilang mga "pasaway" na residente ng lungsod na umano'y nagdulot ng perwisyo sa "Wattah Wattah Festival" na taunang ipinagdiriwang tuwing Hunyo 24.

Ang nabanggit na kapistahan, na tinatawag ding "Basaan," ay pagpupugay sa pintakasi ng lungsod na si San Juan Bautista o Saint John the Baptist.

Nitong araw ng Martes, Hulyo 2, nakaharap na ni Mayor Zamora si Lexter Castro alyas "Boy Dila," ang lalaking nag-viral sa social media matapos niyang barilin ng tubig gamit ang water gun ang isang rider na nagsabi sa kaniyang ayaw niyang pabasa dahil may pupuntahang meeting; bukod dito, ang labis na ikinainis ng netizens ay ang tila pang-aasar pa niya sa rider.

Humingi naman ng public apology si Castro matapos kuyugin ng bash hanggang sa humantong na nga sa panti-trip sa kaniya ng mga netizen sa pamamagitan ng pagdagsa ng fake bookings at delivery para sa kaniya. Isa pa, nadadamay na rin daw ang pamilya niya at nakatatanggap na rin ng mga pagbabanta.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

MAKI-BALITA: 'Good Dila na!' Boy Dila, nag-sorry na 'nasira' niya imahe ng San Juan City

Sa kaniyang bagong Facebook post, sinabi ni Zamora na babawi ang San Juan dahil sa mga nangyari. Aniya, magkakaroon na lamang ng "basaan zone" upang hindi na madamay pa sa pambabasa ang mga nagdaraang motorista. Bukod pa rito, mas paiigtingin pa raw ang city ordinance patungkol sa pagdiriwang ng kapistahan upang mas seryosohin pa ito ng mga residente.

Facebook

"BAWI TAYO!"

"Dahil sa naging maling asal ng iilang mamamayan noong Wattah Wattah Festival, naging masama ang pagtingin ng marami sa San Juan."

"Agad agad tayong gumawa ng mga hakbang gaya ng pag-designate ng isang 'basaan zone' dito sa kalye ng Pinaglabanan sa pagitan ng N. Domingo at P. Guevarra kung saan dito lamang pwede mag-basaan at lahat ng ibang lugar sa labas nito ay bawal mang-basa, pinapa-bago ko na din ang luma at mahinang 2018 na ordinansa upang lalo itong mapalakas at mabigyan ng ngipin at isa-isa ng kinakasuhan ang mga nakita sa mga CCTV at video at photos na nanggulo. Ang lahat ng ito ay ating ginagawa upang hindi na maulit muli ang kaguluhan sa mga susunod nating mga kapistahan.

"Babawi tayo San Juan!