August 08, 2026

Home SHOWBIZ

Luis Manzano, magho-host ng isang game show

Luis Manzano, magho-host ng isang game show
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), Luis Manzano (FB)

Isang bagong proyekto ang sumalubong kay TV host-actor Luis Manzano matapos niyang pumirma ulit ng kontrata sa ABS-CBN.

Sa kaniyang contract signing na ginanap nitong Martes, Hulyo 2, inanunsiyo ng ABS-CBN na si Luis daw ang magsisilbing host sa upcoming game show na “Rainbow Rumble.”

“Congratulations on hosting the newest and most colorful game show on ABS-CBN, ‘Rainbow Rumble,” bati ng host na si Ai dela Cruz kay Luis.

“Yes, malapit na malapit na po ang ‘Rainbow Rumble.’ Kasi eksakto ‘yan, Ai, maraming naka-miss ng mga ibang game show ng ABS-CBN,” saad ni Luis.

Dagdag pa niya: “If na-miss n’yo ang dating ‘Game Ka Na Ba?’ If na-miss n’yo ang ‘Potlock’ dati ng ‘It’s Your Lucky Day.’ So, ito ibabalik namin ‘yong gano’ng klaseng excitement, gano’ng klaseng game show, para sa inyo lahat ‘yon.” 

Rovelyn Baterbonia, dumepensa; 'di ginagatasan ang anak!

Samantala, bukod kay Luis, pumirma rin ng kontrata sa ABS-CBN ang misis niyang si Jessy Mendiola na nagbabalik-Kapamilya, na hindi umano inasahang makakabalik pa sa showbiz industry.

MAKI-BALITA: Jessy Mendiola, hindi inasahang makakabalik pa sa showbiz