Hinirang na bilang "first millennial saint" ang 15-anyos na Italian gamer na si Carlo Acutis matapos aprubahan ni Pope Francis ang canonization nito.
Bukod sa pagkahilig sa video games, isa ring web designer si Acutis.
Noong Mayo 23, binigyang-pagkilala ni Pope Francis ang himalang nagawa umano ni Acutis, dahilan kaya’t nakatakda siyang kilalanin bilang kauna-unahang millennial saint.
Nitong Lunes, Hulyo 1, inaprubahan ni Pope Francis ang canonization nito dahil pabor ang mga cardinal na gawing santo si Acutis.
Samantala, hindi pa isinasapubliko kung kailan ang petsa ng canonization ni Acutis maging ang kaniyang pormal na deklarasyon bilang santo.
Magaganap naman ang canonization ceremonies sa St. Peter's Square sa Vatican City na pangungunahan ni Pope Francis.
Bukod kay Acutis, may kasabayan din siyang 14 pa na indibidwal na nakatakdang gawing santo.
Ngunit, sino nga ba si Carlo Acutis at ano ang kuwento ng himalang nagbigay-daan para ituring siya bilang isang santo?