November 23, 2024

Home BALITA

San Juan City Mayor Zamora at Boy Dila, nagkaharap na

San Juan City Mayor Zamora at Boy Dila, nagkaharap na

Iniharap ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa media si Lexter Castro alyas "Boy Dila," ang nag-viral na lalaking nambasa sa isang rider habang nakadila sa naganap na "Wattah Wattah Festival" sa nabanggit na lungsod noong Hunyo 24.

Matatandaang pinahanap ng lokal na pamahalaan ng San Juan si Castro upang makaharap ito ni Mayor Zamora at personal na mapagsabihan sa kaniyang ginawa. Hindi kasi nagustuhan ng maraming netizen ang kaniyang ginawang pang-aasar sa rider batay sa viral video ni Gian Russel Bangcaray.

MAKI-BALITA: 'Boy Dila' pinapahanap na ng San Juan City LGU

Sinabi ni Zamora na napagsabihan na niya si Castro, at hinimok itong magsagawa ng public apology sa lahat ng mga na-offend sa kaniyang ginawa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

MAKI-BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'

Giit pa ni Zamora, walang paglabag sa city ordinance si Castro subalit puwede siyang masampahan ng kaso kung isusulong ito ng rider na napuwerwisyo niya.

MAKI-BALITA: San Juan LGU, nag-sorry sa nangyaring kaguluhan sa 'basaan'

Mapapanood sa Facebook page ni Zamora ang paghaharap nila ni Castro.