November 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Ka-cheapan!' Kampanyang gawing 'National Artist' si Ate Vi, inokray ng direktor

'Ka-cheapan!' Kampanyang gawing 'National Artist' si Ate Vi, inokray ng direktor

Nagbigay ng reaksiyon ang direktor at writer na si Ronaldo Carballo kaugnay sa napabalitang pangangampanya ng Aktor PH o League of Filipino Actors na maging National Artist for Film and Broadcast Arts ang aktres-politiko na si Vilma Santos-Recto na tinaguriang "Star For All Seasons."

Sa kaniyang Facebook post, inihalintulad ni Carballo sa isang "ka-cheapang eleksyon" ang pangangailangang ikampanya pa si Ate Vi bilang National Artist.

Pakiramdam ng direktor-writer ay "binabastos" at "minamaliit" daw ng grupo nina Dingdong Dantes ang ang kahalagahan at dignidad ng kataas-taasang parangal sa Sining na "National Artist."

"Hindi naman ganun lang ang paghahalal ng magiging National Artist," bahagi ng post ni Carballo.

Tsika at Intriga

Negosasyon sa renewal ng It's Showtime sa GMA, pinoproseso na!

"May malinaw na criteria na sinusunod at hindi makukuha yan sa kampanya."

"Kung deserving naman si Vilma Santos at pasok sya sa criteria, at ang iba pang sinumang qualified, bakit kailangang ikampanya?"

"Naga-aksaya lang kayo ng oras at pera."

Kaya nag-iwan ng mensahe si Carballo sa lider ng Aktor PH na si Dingdong. Aniya, mas masarap daw ang tagumpay kapag kusang kinilala si Ate Vi at hindi dahil sa pangangampanya lang. Hindi raw niya minamaliit ang kakayahan at ambag ng Star For All Seasons, subalit kailangan daw hayaan ang mga pipili sa kaniya, dahil kung talagang deserving ang beteranang aktres, hihirangin itong National Artist.

Narito ang kabuuan ng kaniyang FB post:

Objectively, masyado namang "binabastos" at "minamaliit" ng mga ilang sektor sa showbiz, lalo na ang grupong AKTOR ni Ginoong Dingdong Dantes, ang kahalagahan at dignidad ng kataas-taasang parangal sa Sining na "National Artist".

Akala mo, pulitika at ka-cheapang eleksyon lang ng mga artista, kung ikampanya nila si Vilma Santos para ibotong National Artist.

Kampanya na akala mo'y may pinu-promote lang na pelikulang ipalalabas ang Star for all Seasons.

Kampanyang corupt na corrupt ang dating.

With matching malaking Press Conference na dinatungan lahat ng nasa kampanya, at inuutusang mangampanya.

Estilong corrupt na parang Pulitiko lang ang ikinakampanya para manalo sa eleksyon. Babrasuhin lahat at kung kailangang dayain, dadayain. Magwagi lang.

Hindi naman ganun lang ang paghahalal ng magiging National Artist.

May malinaw na criteria na sinusunod at hindi makukuha yan sa kampanya.

Kung deserving naman si Vilma Santos at pasok sya sa criteria, at ang iba pang sinumang qualified, bakit kailangang ikampanya?

Naga-aksaya lang kayo ng oras at pera.

Mr. Dingdong Dantes, wag nyong dalhin ang corruption ng showbiz at pulitika sa larangan ng kataas-taas parangal sa Sining na Pambansang Alagad ng Sining.

Malaking pambabastos yan sa kataas-taasang parangal at pangmamaliit sa kakayahan ng mga pipili kung sino ang mga tunay na karapat-dapat mailuklok sa kataas-taasang Parangal sa Sining.

Mas masarap tanggapin ang panalo, kung matatanggap ito dahil deserving ang recipient.

Hindi dahil ikinampanya sya at ibinoto lang ng mga walang karapatang tao na pawang may mga fan mentality lamang.

Hindi ba?

Ang maging National Artist ay iginagawad na may kataas-taasang paggalang.

Hindi ito tulad ng mga pipitsuging award giving body sa showbiz na nabibili at nababayaran.

Personally, gusto kong maging National Artist si Vilma Santos.

Pero never ko syang ikakampanya.

Hindi ko mamaliitin ang kakayahan at karapatan ng mga tunay na pipili para iluklok sya sa kataas-taasang Gawad para sa Sining na National Artist.

Again, kung deserving at pasok si Vilma Santos sa criteria, magiging National Artist sya, without campaigning.

Sobrang nakakatawa naman kayo.

Hindi naman taumbayan ang boboto thru texts at balota.

Para ikampanya nyo pa si Vilma Santos.

May mga matitinong utak na National Artist themselves rin mismo ang pipili ng mga susunod na tatanghaling National Artist.

Why will I campaign?!

Hindi talaga kailangang mangampanya, sa tutuo lang.

Objectively, masyado namang "binabastos" at... - Ronaldo C. Carballo | Facebook

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng Aktor PH o ni Ate Vi kaugnay sa isyu.

MAKI-BALITA: Vilma Santos, isinusulong maging National Artist