November 23, 2024

Home BALITA National

Chel Diokno, tanggap si Sonny Angara bilang DepEd secretary

Chel Diokno, tanggap si Sonny Angara bilang DepEd secretary
Photo Courtesy: Chel Diokno, Sonny Angara (FB)

Naglabas ng pahayag ang human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. si Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education.

Sa latest Facebook post ni Diokno nitong Martes, Hulyo 2, sinabi ni Diokno na tinatanggpap umano nila ang desisyon ng pangulo na gawing kalihim ng nasabing ahensya si Angara.

“We welcome the decision of President Marcos Jr. to quickly appoint a new Secretary to lead the Department of Education,” pahayag ni Diokno.

“Senator Sonny Angara has his work cut out for him as our students and teachers continue to grapple with the learning crisis,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa niya: “He has to buckle down to work immediately and address the pressing challenges and needs of the education sector that have been overlooked by the previous leadership.”

Matatandaang nauna nang nanawagan ang ilang kapuwa senador ni Angara na ikonsidera raw sana siya ni pangulo bilang bagong kalhim ng DepEd matapos bitiwan ni Vice President Sara Duterte ang nasabing posisyon.

BASAHIN: Sen. Sonny Angara, isinusulong ng ilang senador bilang DepEd chief

BASAHIN: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’