January 23, 2025

Home BALITA

'Boy Dila' pinapahanap na ng San Juan City LGU

'Boy Dila' pinapahanap na ng San Juan City LGU
Photo courtesy: Screenshot from Gian Russel Bangcaray (FB) via Balita/Tito Mars (FB)

Pinapahanap na ng lokal na pamahalaan ng San Juan City si Lexter Castro alyas "Boy Dila" matapos mag-viral ang video kung saan makikita ang tila mapang-asar niyang pambabasa sa isang rider sa Wattah Wattah Festival noong Hunyo 24, gamit ang water gun.

Sa viral video ni Gian Russel Bangcaray, makikitang nakalawit pa ang dila ni Castro habang binabasa ang rider, bagay na ikinainis ng mga netizen.

Sa halip na humingi ng tawad ay sinabi ni Castro na nagpaalam siya sa rider na mambabasa siya, subalit hindi raw ito pumayag dahil may meeting na pupuntahan.

Sa kabila nito ay hindi pa rin nagpaawat si Castro at pinaulanan ng tubig ang rider habang nakadila pa siya sa kaniya.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

"Unang-una hindi ko sinaktan si Manong, binasa ko lang siya, nagpaalam ako sa kaniya, sabi ko 'Babasain kita' sabi niya 'Hindi puwede kasi may meeting siya' pero binasa ko pa rin siya kasi fiesta eh," aniya sa Facebook Live matapos mag-viral.

"Wag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24, alam naman ng taumbayan 'yan," dagdag pa niya.

MAKI-BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'

Sa inis ng mga netizen sa kaniya, bet daw siyang ipadala sa West Philippine Sea para gantihan ng water canon ang mga sundalong Chinese na nagbubuga ng tubig sa mga sundalong Pilipino.

Pinagtripan din siya ng mga netizen at nag-book ng iba't ibang items para sa kaniya, na idinedeliver naman ng mga rider. Kalat sa TikTok ang cellphone number at address niya kaya marami ang nag-effort na inisin siya.

MAKI-BALITA: 'Boy Dila' dinagsa ng fake booking, gustong ipadala sa WPS

Kung ano-anong bagay ang ipinadala sa kaniya gaya ng pagkain, mga kasangkapan sa bahay, pati yero, semento, at bakal pa raw.

Kaya naman sa panayam ng GMA News kay San Juan City Mayor Francis Zamora, gusto niyang makausap at maturuan ng leksyon si Castro. Hindi raw nagpapakita sa kanilang barangay ang lalaki subalit panay raw ang dating ng delivery sa kaniyang address, na suspetsa ay gawa ng mga banas sa kaniya. Nakiusap naman ang kapitan ng barangay na itinigil na ito dahil kawawa naman ang riders na nagtatrabaho nang maayos at nagiging abonado pa.

Matatandaang hinikayat ng San Juan LGU ang mga naperwisyo na magreklamo sa munisipyo upang masampahan ng kasong kriminal ang mga sumobra at namerwisyo sa akto ng pambabasa sa kanilang kapistahan. Puwede silang pagmultahin kung mapatutunayang may nilabag silang ordinansa ng lungsod.

MAKI-BALITA: Zamora, nangakong parurusahan mga sangkot sa kaguluhan sa 'basaan'

MAKI-BALITA: San Juan LGU, nag-sorry sa nangyaring kaguluhan sa 'basaan'

MAKI-BALITA: Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

MAKI-BALITA: Single mom naperwisyo, napurnadang mag-abroad dahil sa Wattah Wattah Festival