May 12, 2026

Home BALITA National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Occidental
(PHIVOLCS-DOST)

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Hulyo 2. 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol dakong 11:01 ng umaga. 

Naitala rin nila ang epicenter ng lindol sa Balut Island at may lalim itong 32 kilometro. 

Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks. 

National

Diokno sa pagkaka-impeach ni VP Sara: 'The Senate now must fulfill its constitutional duty!'