July 19, 2024

Home BALITA Probinsya

2 taong gulang na bata, patay nang mabanlian ng kumukulong tubig

2 taong gulang na bata, patay nang mabanlian ng kumukulong tubig
larawan mula sa GMA News Regional TV

Nagluluksa ngayon ang naiwang pamilya ng 2 taong gulang na batang lalaki na namatay matapos matapunan umano ng kumukulong tubig.

Pumanaw si Cody Ryan Balili, residente ng Barangay Canitoan, Cagayan de Oro, sa isang ospital matapos magtamo ng mga sugat sa mukha at katawan.

Sa ulat ng GMA News Regional TV, ikuwento ng lola ni Cody na nagpakulo umano ng tubig ang tatay ng kaniyang apo para magpagtimpla ito ng gatas.

Dagdag pa niya, isinalin ng tatay ni Cody sa isang container ang kumukulong tubig para i-sterilize ang boteng ginagamit ng bata.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Iniwan daw saglit ng ama ang container na nasa ibabaw ng lamesa dahil may kukunin lamang daw, pero sa kasamaang palad, naabot ni Cody ang container at tumapon sa kaniya ang kumukulong tubig.

Bago raw nangyari ang insidente, sinabihan daw ng ama ang 2-anyos na bata na huwag lumapit sa lamesa.

Samantala, ayon pa sa ulat, hindi nakapunta sa lamay ang ina ng bata dahil kakasimula lamang daw nitong magtrabaho sa ibang bansa.