January 22, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte, 'di raw interesadong patalsikin si PBBM

Ex-Pres. Duterte, 'di raw interesadong patalsikin si PBBM
Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (MB file photo/Facebook)

Ipinahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang interes na patalsikin sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang isang press conference sa Tacloban City nitong Linggo, Hunyo 30, sinabi ni Duterte na nais niyang matapos ni Marcos ang kaniyang termino bilang pangulo.

“Do not worry. Nobody is interested, or are, na tanggalin ka. It’s a waste of time,” ani Duterte, na pinatutungkulan si Marcos.

“Ganoon din, magbabalik-taya, palitan mo presidente, so what? Bakit, kung ang anak kong vice president, maging president, would you think that this country would be better than what we have now? It’s not a guarantee just because… I’m not interested. As a matter of fact, I am praying that he should leave until the very end of the term. Wala akong ano kay Marcos,” saad pa niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Samantala, pinagdiinan din ng dating pangulo na dapat umanong magtrabaho si Marcos bilang pangulo ng bansa dahil binoto raw siya ng mga Pilipino bilang punong ehekutibo ng bansa.

“Magtrabaho ka diyan. Dukdukin mo ‘yung mukha mo diyan sa mesa,” giit ni Duterte.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte kay PBBM: 'We are paying you, magtrabaho ka!'

Matatandaang naging pangulo si Duterte mula 2016 hanggang 2022.

Samantala, nahalal bilang pangulo si Marcos noong 2022 national elections, kung saan naging running mate niya ang anak ng dating pangulo na si Vice President Sara Duterte.