January 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nagawa nga bang pasaringan ni Dennis Trillo ang dating home network?

Nagawa nga bang pasaringan ni Dennis Trillo ang dating home network?

Nagsalita na ang manager ng Aguila Entertainment na si Jan Enriquez hinggil sa usap-usapang pauyam na tanong ni Kapuso star Dennis Trillo sa isang netizen kung "May ABS pa ba?" o kung may ABS-CBN pa ba.

Alam naman ng lahat na nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN noong 2020 matapos hindi pagbigyan ang franchise renewal nito sa House Committee on Legislative Franchises para patuloy na maka-ere sa free TV ang Kapamilya Network.

Dahil doon, nag-shift ang ABS-CBN bilang content provider at nakikipag-collaboration na rin sa mga TV network kagaya ng A2Z, TV5, GTV, GMA, at maging sa ALLTV.

Trending ang "ABS-CBN" sa X dahil sa iba't ibang hot topic sa social media, kabilang na ang umano'y sarkastikong tanong ni Dennis kung may "ABS" pa ba.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nagtanong kasi ang mga netizen sa kaniyang latest TikTok post kung bakit wala ang misis na si Jennylyn Mercado, isa sa A-listers ng GMA Network, sa inilabas na station ID kamakailan.

Mababasa sa tanong ng netizen, "Kuya dennis sana masagot mo ito bakit wala si ma'am Jen sa GMA STATION ID at totoo ba na lilipat na siya sa ABC CBN (ABS-CBN)."

Tugon naman ni Dennis, "May ABS pa ba?"

Agad ding nabura ang nabanggit na komento pati na ang iba pang sumunod niyang komento, subalit na-screenshot na ito ng mga netizen at inulan na ng batikos lalo na ang solid Kapamilya fans at viewers.

Kung bibisitahin naman ang nabanggit na post ay naka-turn off na ang comment section.

Sey ni Jan Enriquez sa kaniyang X post, mukhang na-hack ang TikTok account ni Dennis, at kasalukuyan daw siyang nasa taping ng seryeng "Pulang Araw."

"We are investigating the situation but do know na hindi po si Dennis yun. He is currently taping for Pulang Araw and have limited access to his phone as per his PA."

"We advise the public not to jump into conclusions with regard to this incident," aniya pa.

Photo courtesy: Jan Enriquez (X)

Bukod dito, naglabas na rin sila ng official statement tungkol sa isyu.

"We would like to inform the public that Dennis Trillo's TikTok account has been hacked around noontime today, July 1, 2024. There were some comments made using his name and we assure everyone that it was not his doing. It is very unlikely of Dennis to make such remarks and he is a person who has nothing but kindness and respect in his heart."

"We are currently fixing the matter to avoid this incident from happening again," anila.

Photo courtesy: Jan Enriquez (X)

Bago maging Kapuso ay nagsimula muna si Dennis bilang talent ng Star Magic at ABS-CBN ang aktor noong 2001, kasabay sina Alfred Vargas, TJ Trinidad, at Bea Alonzo. 2003 naman nang lumipat siya sa Kapuso Network at masasabing namayagpag ang kaniyang karera hanggang sa tawagin siyang "GMA Drama King."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang ABS-CBN kaugnay sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Tanong ni Dennis Trillo kung 'May ABS pa ba?' dinagsa ng batikos