Tumama ang magnitude-5.0 na lindol sa Eastern Samar nitong Lunes ng tanghali, Hulyo 1.
Sa datos mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa Balangiga, Eastern Samar dakong 1:53 ng tanghali, na may lalim na 10 kilometro.
Dagdag pa ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naramdaman din ang pagyanig sa Hinundayan at Hinunangan, Southern Leyte; at sa Dulag at Abuyog, Leyte.
Bagama't walang inaasahang pinsala, inaasahan naman ang aftershocks matapos ang pagyanig.