January 10, 2025

Home BALITA Metro

Leody De Guzman, pinalagan ₱35 na dagdag sa minimum wage

Leody De Guzman, pinalagan ₱35 na dagdag sa minimum wage
Photo Courtesy: Leody De Guzman (FB), via MB

Nagbigay ng pahayag ang labor leader na si Leody De Guzman kaugnay sa dagdag na ₱35 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region o NCR.

Sa latest Facebook post ni De Guzman nitong Lunes, Hulyo 1, sinabi niya na isa umanong insulto ang nasabing halagang idnagdag sa mga manggagawa sa kalakhang Maynila. 

 “Ang Wage Order 25 ng RTWPB-NCR, na nagbigay ng P35 dagdag sa arawang sahod ng minimum wage earners, ay pang-iinsulto sa manggagawa,” saad ni De Guzman.

“Napatunayang muli ang katuwiran sa matagal nang sinasabi ng kilusang unyon na dapat buwagin ang mga regional wage boards at ang Wage Rationalization Act (RA6727) na lumikha nito,” wika niya.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Kaya panawagan ni De Guzman, buwagin na raw ang mga regional wage boards at ibalik sa lehislatura ang pagtatakda ng minimum wage. 

“Isabatas ang ‘enabling law’ para ipatupad ng living wage, alinsunod sa Saligang Batas at sa ‘law of value’ ng kapitalismo. 

Sa huli, tila hinamon din ni De Guzman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang sabihin niya na kung totoo raw kinakalinga ng pangulo ang mga manggagawang pinuri nito noong Araw ng Paggawa, sertipikahan daw dapat nito bilang urgent ang legislated wage increase sa darating na State of the Nation Address (SONA) ngayong Hulyo.

“Hindi lang upang ihabol ang sahod ang sumisirit na presyo ng mga batayang pangangailangan. Mas pa, ito ang unang hakbang sa pagbubuwag ng provincial rate hanggang maging living wage ang minimum wage,” pahayag pa niya.

MAKI-BALITA: Minimum wage sa NCR, ₱645 na!