Nagbigay ng mensahe at payo ang kontrobersiyal na social media personality na si "Tito Mars" sa kinababanasan ngayon ng mga netizen na si Lexter Castro o "Boy Dila" kung bet daw nitong maging content creator at pag-usapan din sa social media, matapos mag-viral.
Si Lexter o tinawag na ngang "Boy Dila," ang lalaki sa viral video na kuha sa "Wattah Wattah Festival" sa San Juan City, kung saan makikita siyang nambasa ng water gun habang nakalawit pa ang dila sa isang rider na padaan sa nabanggit na lugar.
"Unang-una hindi ko sinaktan si Manong, binasa ko lang siya, nagpaalam ako sa kaniya, sabi ko 'Babasain kita' sabi niya 'Hindi puwede kasi may meeting siya' pero binasa ko pa rin siya kasi fiesta eh," aniya.
"Wag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24, alam naman ng taumbayan 'yan," dagdag pa niya.
MAKI-BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'
Sa inis ng mga netizen sa kaniya, bet daw siyang ipadala sa West Philippine Sea para gantihan ng water canon ang mga sundalong Chinese na nagbubuga ng tubig sa mga sundalong Pilipino.
Pinagtripan din siya ng mga netizen at nag-book ng iba't ibang items para sa kaniya, na idinedeliver naman ng mga rider. Kalat sa TikTok ang cellphone number at address niya kaya marami ang nag-effort na inisin siya.
MAKI-BALITA: 'Boy Dila' dinagsa ng fake booking, gustong ipadala sa WPS
Kung ano-anong bagay ang ipinadala sa kaniya gaya ng pagkain, mga kasangkapan sa bahay, pati yero, semento, at bakal pa raw.
Si Tito Mars ay kinainisan dahil sa kaniyang mga eating challenge content, lalo na sa pagkain niya ng "sardinas" na ikina-offend naman ng marami, dahil parang binabastos at kinukutya raw niya ang pagkain ng mahihirap.
Pati ang sikat na celebrities ay nagbigay rin ng reaksiyon tungkol dito, kagaya na lamang ni Pokwang.
MAKI-BALITA: 'Very evil!' Pokwang ibinida pagkain ng sardinas, patutsada kay Tito Mars?
Pero sa isang video ay nagpaliwanag naman si Tito Mars at sinabi niyang wala raw siyang intensyong bastusin ang sinuman.
MAKI-BALITA: Tito Mars: 'Di ko binabastos pagkain ng mahihirap!'
Kaya sa isang Facebook post ni Tito Mars para kay Lexter, nag-iwan siya ng payo para sa kaniya.
"Hello kuya , mukang nag eenjoy ka sa 'KASIKATAN' na natatanggap mo ngayon dahil sa pam-babasa mo kay kuyang rider ha. Bilang isang taong minsan ding nasa posisyon mo, naiintindihan kita. Hindi namen alam yung totoong ugali mo, hindi din kita kilala ng personal, pero naniniwala ako na hindi ka rin naman tlaga masamang tao," ani Tito Mars.
"Ang payo ko lang sayo, humingi ka ng PAUMANHIN kay kuyang rider at sa mga taong nainis mo , tapos kung gusto mo talagang mag social media gawa ka ng ibang content na magugustuhan ng tao ."
"Mababait at maintindihin naman ang mga kababayan naten, naniniwala ako, mapapatawad ka nila " aniya.
Pahabol pa ni Tito Mars, "Bagay na natutunan ko sa social media."
Kaya kung mapapansin ang mga content ngayon ni Tito Mars ay tila nga "bumait" na siya.
Tito Mars - MESAHE PARA KAY BOY DILA: Hello kuya , mukang nag... | Facebook
Sa katunayan, noong June 18 vlog niya ay kumain na siya ng ginisang sardinas na may itlog at kamatis, at sinabi niyang kumakain naman talaga siya ng sardinas, at ginawa niya ang mga mapang-asar na vlogs niya para sa content lang.