December 23, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Kinumpara sa Songkran ng Thailand: Mga pasaway sa Wattah Wattah, utak-squammy raw

Kinumpara sa Songkran ng Thailand: Mga pasaway sa Wattah Wattah, utak-squammy raw
Photo courtesy: Christian Albert Gaza (FB)

Patuloy na umaani ng reaksiyon at komento ang naganap na "Wattah Wattah Festival" sa kapistahan ng San Juan City na ginaganap tuwing Hunyo 24.

Marami kasing mga netizen ang nagbabahagi ng mga perwisyong natanggap nila mula sa mga "pasaway" na residenteng OA ang pagkakabuhos sa kanila ng tubig; na naging dahilan para mapurnada ang mga lakad nila nang araw na iyon, sa malas na mapadaan sa kalye ng San Juan.

MAKI-BALITA: Single mom naperwisyo, napurnadang mag-abroad dahil sa Wattah Wattah Festival

KAUGNAY NA BALITA: Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Isa na nga rito ang social media personality na si Xian Gaza. Naikumpara pa niya ito sa Songkran Festival sa Thailand na tulad ng Wattah Wattah ay "basaan" din.

"In Thailand's Songkran Festival, hindi namin sinasali sa basaan yung mga taong walang water gun dahil marunong rumespeto sa iba ang mga Thai people pati na ang mga dayuhan na nakikisali dito. At the end of the day, it's all about character."

"Ang taong may class at may magandang breeding ay hinding-hindi mamemerwisyo sa kapwa niya na dumaan lamang tapos walang water gun."

"Very basic values and common sense na alam ng lahat unless yung isang tao ay utak-squammy," hirit pa ni Gaza.

In Thailand's Songkran Festival, hindi... - Christian Albert Gaza | Facebook

Ang Songkran Festival ay isang makulay at masayang pagdiriwang sa Thailand na kilala rin bilang Thai New Year Festival. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Abril, at nagtatagal ng tatlong araw o higit pa sa ilang lugar. Ito ay kilala sa tradisyonal na pagbuhos ng tubig sa isa't isa bilang simbolo ng paglilinis at pagpapala para sa bagong taon. Ito rin ay panahon ng pagbisita sa mga templo, pagsusuot ng mga bagong damit, at pagsasagawa ng mga seremonya upang ipagdiwang ang paglipas ng lumang taon at pagtanggap sa bagong taon na may positibong enerhiya.

Ang Wattah Wattah Festival naman, na kilala rin bilang Basaan Festival, ay isang taunang pagdiriwang sa San Juan City, Pilipinas, tuwing Hunyo 24. Pagbibigay-karangalan ito kay San Juan Bautista (St. John the Baptist). Ang tradisyonal na paraan ng pagdiriwang ay ang pagbuhos ng tubig sa mga tao, na sumisimbolo sa pagbibinyag ni San Juan Bautista sa Ilog Jordan.

Ang mga residente at bisita ay nagbabasaan sa kalsada gamit ang timba, hose, at iba pang kagamitan pambuhos ng tubig. Ang basaan ay sinasabing simbolo ng pagpapadalisay at bagong simula. Bukod sa basaan, may mga parada, street dancing, at iba pang kultural na aktibidad na isinasagawa upang ipagdiwang ang okasyon.