January 22, 2025

Home BALITA National

Matapos magbitiw bilang kalihim: VP Sara, tutok sa pag-turn over ng DepEd

Matapos magbitiw bilang kalihim: VP Sara, tutok sa pag-turn over ng DepEd
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Inihayag ni Vice President Sara Duterte na kasalukuyang siyang nakatutok sa pagte-turn over ng Department of Education (DepEd) matapos niyang ianunsyo kamakailan ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim nito.

Sa isang panayam nitong Sabado, Hunyo 29, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Duterte na ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pag-transistion ng DepEd at ang pagpapatuloy ng mga proyekto ng Office of the Vice President (OVP).

“Ang gawa natin ngayon ay ito, ang pagtutok sa transition, turn over ng Department of Education, at ang ating pagpapatuloy ng mga proyekto sa ilalim ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas,” ani Duterte.

Matatandaang noong Hunyo 19, 2024 nang ianunsyo ni Duterte ang kaniyang pagbibitiw bilang kalihim ng DepEd, na magiging epektibo sa Hulyo 19, 2024.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

Magiging epektibo naman ang kaniyang pagbibitiw pagkatapos ng isang buwan o sa Hulyo 19, 2024.

Kaugnay nito, sinabi ni Duterte na plano niyang dumalo pa rin sa events ng DepEd sa buwan ng Hulyo, tulad ng pagsisimula ng seremonya ng “Palarong Pambansa” sa Hulyo 9 sa Cebu City Sports Center.