December 23, 2024

Home BALITA

Rider na nanaboy ng muriatic acid sa nambasa raw sa kaniya sa 'Basaan,' kakasuhan

Rider na nanaboy ng muriatic acid sa nambasa raw sa kaniya sa 'Basaan,' kakasuhan
Photo courtesy: Screenshot from 24 Oras (YouTube channel)

Humantong sa seryosong usapin ang sabuyan at pambabasa ng tubig sa "Wattah Wattah Festival" sa San Juan City matapos maharap daw sa kasong physical injury ang isang rider na napikon umano matapos mabasa at gumanti sa pamamagitan naman ng pananaboy ng kemikal sa inakala raw niyang nambasa sa kaniya.

Ayon sa mga ulat, napikon umano ang rider nang masabuyan siya ng tubig habang nagaganap ang kontrobersiyal na basaan sa San Juan.

Kaya ang ginawa raw ng rider ay gumanti ito sa pamamagitan ng pananaboy naman ng muriatic acid sa lalaking sinasabing nambasa naman sa kaniya ng tubig.

Ngunit katwiran naman ng ginantihan ng rider, hindi raw siya nambasa at nanonood lamang sa kasiyahan. Agad daw niyang nilublob ang mukha niya sa isang baldeng may lamang tubig upang mawala ang hapdi. Nakaramdam din siya ng panlalabo ng mga mata.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Agad na nadakip ang suspek na rider at sinampahan ng kasong physical injuries. Napag-alaman ding may galit ang suspek sa mga sumasaling residente sa Wattah Wattah Festival. Ito raw ang dahilan kung bakit may dala-dalang asido ang rider nang dumaan sa San Juan.

Samantala, nauna nang naglabas ng public apology ang lokal na pamahalaan ng San Juan sa mga reklamong natanggap nila kaugnay ng basaan.

Hinikayat ni San Juan City Mayor Francis Zamora na maghain ng reklamo ang sinumang naperwisyo sa nabanggit na gawain.

MAKI-BALITA: Mga taga-San Juan City, nagbasaan sa pagdiriwang ng kapistahan

MAKI-BALITA: Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

MAKI-BALITA: Khimo Gumatay, nag-react sa video ng basaan sa pista ng San Juan

MAKI-BALITA: Zamora, nangakong parurusahan mga sangkot sa kaguluhan sa 'basaan'