January 22, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pagtakbo ng mag-aamang Duterte sa Senado, pinaghahandaan na -- VP Sara

Pagtakbo ng mag-aamang Duterte sa Senado, pinaghahandaan na -- VP Sara
Photo courtesy: Cong. Pulong Duterte/FB

Naghahanda na sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Congressman Paolo “Pulong” Duterte, at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa kanilang pagtakbo bilang mga senador sa 2025 midterm elections, ayon mismo kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Cebu City nitong Sabado, Hunyo 29, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni VP Sara na nakausap niya ang kaniyang ama at dalawang kapatid hinggil sa kanilang plano sa susunod na eleksyon.

“When I talked to FPRRD’s group, they said they were preparing for him to run. When I also spoke to my older brother, Pulong, he said he is ready to run for senator,” anang bise presidente. 

Dagdag pa ni VP Sara, naghahanda na rin daw ang mga tagasuporta ni Mayor Baste sa kaniyang pagtakbo bilang senador.  

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Matatandaang noong Martes, Hunyo 25, nang kumpirmahin ni VP Sara na tatakbo bilang senador sa 2025 ang kaniyang ama at dalawang mga kapatid.

MAKI-BALITA: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

Nagbigay naman ng komento rito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Huwebes, Hunyo 27, at sinabing “free country” naman ang Pilipinas kaya’t maaari raw gawin ng mga ito ang mga nais nilang gawin.

MAKI-BALITA: 'Maaga pa!' PBBM, nagkomento sa plano ng pamilya Duterte sa eleksyon