January 22, 2025

Home BALITA National

Ex-Pres. Duterte kay PBBM: 'We are paying you, magtrabaho ka!'

Ex-Pres. Duterte kay PBBM: 'We are paying you, magtrabaho ka!'
MULA SA KALIWA: Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Bongbong Marcos (file photo)

Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat umanong magtrabaho ito bilang punong ehekutibo ng bansa, dahil binabayaran daw siya ng mga Pilipino.

Sinabi ito ni Duterte sa isang press conference sa Tacloban City nitong Linggo, Hunyo 30.

“Si Marcos, ‘di dapat mawalan ng tulog. Gusto ko siyang magtrabaho diyan for six years. He was elected by the people for six years. P********. Magtrabaho ka diyan. Dukdukin mo ‘yung mukha mo diyan sa mesa,” giit ni Duterte, na pinatutungkulan si Marcos.

“We paid you. We elected you. We are paying you. Magtrabaho ka. Do not worry. Nobody is interested, or are, na tanggalin ka. It’s a waste of time,” dagdag niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ayon pa sa dating pangulo, hindi siya interesadong patalsikin si Marcos dahil ang totoo umano’y nais niyang matapos ang anim na taong termino nito.

“Gusto ko siyang magtrabaho kasi binoto natin siya. Magtrabaho ka diyan, at gawain mo para sa bayan,” ani Duterte.

“Ngayon, pagkatapos ng 6 years term mo, makita mo na. Magsalita na ang tao, and we will give you the verdict on whether or not you were worth the votes,” saad pa niya.

Hindi ito ang unang pagkakataong pinatutsadahan ni Duterte ang kasalukuyang pangulo.

Noong Enero 28, 2024, tinawag ng dating pangulo si Marcos na “bangag” at “drug addict.”

MAKI-BALITA: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

Isang araw naman matapos nito, itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kasama si Marcos sa kanilang drug watchlist.

MAKI-BALITA: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM

Sinagot din ni Marcos ang naturang pahayag ni Duterte at sinabing umano ito ng “fentanyl.”

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte tumitira daw ng 'fentanyl,' banat ni PBBM

Matatandaang naging pangulo si Duterte mula 2016 hanggang 2022.

Samantala, nahalal bilang pangulo si Marcos noong 2022 national elections, kung saan naging running mate niya ang anak ng dating pangulo na si Vice President Sara Duterte.