November 22, 2024

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'

Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'
Photo courtesy: Screenshots from Lexter Castro (FB)/Gian Russel Bangcaray (FB)

Nagsalita na ang pinag-uusapang residente ng San Juan City na pinanggigilan sa isang viral video kung saan makikita ang pambabasa niya sa isang rider gamit ang water gun habang nakalabas ang dila, sa naganap na "Wattah Wattah Festival" o pista ni St. John the Baptist, patron saint ng nabanggit na lungsod sa Metro Manila.

Matapos kuyugin ng mga netizen dahil daw sa nakababanas niyang behavior, naglabas ng video si Lexter Castro o tinatawag ngayong "Boy Dila."

Paglilinaw niya, hindi naman daw niya sinaktan ang delivery rider sa video kundi binasa lamang, at katwiran niya, iyon naman daw talaga ang ginagawa sa tuwing sasapit ang kanilang kapistahan.

Dagdag pa niya, kung ayaw sana mabasa nang araw na iyon, sana raw ay hindi na lamang sila dumaan sa nabanggit na lugar kung saan nagaganap ang basaan.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Pregnancy and Infant Loss Remembrance Day, kailan nga ba nagsimula?

"Unang-una hindi ko sinaktan si Manong, binasa ko lang siya, nagpaalam ako sa kaniya, sabi ko 'Babasain kita' sabi niya 'Hindi puwede kasi may meeting siya' pero binasa ko pa rin siya kasi fiesta eh," aniya.

"Wag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24, alam naman ng taumbayan 'yan," dagdag pa niya.

Sa inis ng mga netizen sa kaniya, bet daw siyang ipadala sa West Philippine Sea para gantihan ng water canon ang mga sundalong Chinese na nagbubuga ng tubig sa mga sundalong Pilipino.

Kaugnay pa rin ng basaan, dumarami ang nagpapahayag ng kanilang mga reklamo at sentimyento kaugnay rito. 

Naglabas naman ng public apology ang lokal na pamahalaan ng San Juan City. Hinimok naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang publiko na maghain ng reklamo ang mga pakiramdam nila ay na-harass sila sa nabanggit na piyesta. 

MAKI-BALITA: Zamora, nangakong parurusahan mga sangkot sa kaguluhan sa 'basaan'

MAKI-BALITA: San Juan LGU, nag-sorry sa nangyaring kaguluhan sa 'basaan'

MAKI-BALITA: Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan