December 23, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Vilma Santos, isinusulong maging National Artist

Vilma Santos, isinusulong maging National Artist
Photo courtesy: Tempo

Ineendorso ng Aktor PH o League of Filipino Actors na maging National Artist for Film and Broadcast Arts ang aktres-politiko na si Vilma Santos-Recto na tinaguriang "Star For All Seasons."

Sa naganap na media conference sa Manila Hotel nitong araw ng Biyernes,  Hunyo 28, sinabi ng isa sa mga pinuno ng samahang pang-showbiz na si Dingdong Dantes na napapanahon na raw para kilalanin ang mga naging ambag at kontribusyon ni Vilma sa industriya ng showbiz.

Tinukoy ni Dingdong ang mga dahilan kung bakit kailangan nang hirangin bilang National Artist si Vilma. Hindi lamang daw ang kanilang grupo ang nagsusulong nito kundi 20 samahan pa.

"We wholeheartedly endorse the nomination of Rosa Vilma Santos-Recto to the Order of National Artists for Film and Broadcast," anang Dingdong.

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

"Renowned for her breathing life into roles described as women of substance, she has garnered numerous awards from prestigious bodies, whether here, local or international, solidifying her status as the most awarded actress in Philippine cinema history," dagdag pa.

Bukod kay Vilma, matatandaang isinulong na rin noon na gawing National Artist si Superstar Nora Aunor, na nakamit niya naman noong 2022 kasama pa ng iba pang pitong personalidad sa kani-kanilang mga larangan.