January 15, 2025

Home BALITA National

Sen. Sonny Angara, isinusulong ng ilang senador bilang DepEd chief

Sen. Sonny Angara, isinusulong ng ilang senador bilang DepEd chief
Courtesy: Sen. Sonny Angara/FB

Nanawagan ang ilang mga senador na ikonsidera raw sana ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sa isang X post nitong Biyernes, Hunyo 28, iginiit ni Senador JV Ejercito na si Angara ang “good choice” bilang DepEd chief.

“Sen. Sonny Angara would be a good choice for DepEd Secretary. Hope he will be considered,” anang senador.

Sinang-ayunan at ni-repost naman ni Senador Joel Villanueva ang naturang tweet ni Ejercito.

National

Malaca<b>ñang sa umano'y pagtakbo ni VP Sara sa 2028: 'It's her privilege'</b>

“I second the motion, he is the best candidate for Education Chief! #Fact #NotBiasedAtAll #CheckHisCredentials,” saad ni Villanueva.

Sumagot din si Angara sa naturang X posts ng: “Thanks brother sens .”

Matatandaang nauna nang inihayag ni Senate President Chiz Escudero na si Angara rin ang nakikita niyang karapat-dapat na italaga bilang kalihim ng DepEd.

Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos nitong Sabado, Hunyo 29, na hindi pa naisasapinal ang kaniyang desisyon kung sino ang kaniyang itatalaga sa naturang posisyon.

Ang naturang pagpili ng pangulo ng bagong kalihim ng DepEd ay matapos magbitiw sa pwesto si Vice President Sara Duterte noong Hunyo 19, 2024.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’