November 23, 2024

Home BALITA National

OVP, 'di kukuha ng confidential funds sa 2025 national budget

OVP, 'di kukuha ng confidential funds sa 2025 national budget
photo courtesy: Inday Sara Duterte/FB

Hindi umano kukuha ng confidential funds ang Office of the Vice President (OVP) sa 2025 national budget, ayon kay Vice President Sara Duterte nitong Sabado, Hunyo 29.

"For the Office of the Vice President, no. Wala kaming proposal ng confidential funds for this year," saad ni Duterte sa ginanap na Pasidungog event sa Cebu City.

Matatandaang naging mainit na usapan ang confidential funds ng OVP noong 2023.

Ito'y matapos kumpirmahin ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo noong Setyembre 25, 2023 na nagastos umano ng OVP ang ang ₱125-million confidential funds noong 2022 sa loob ng 11 araw, mas maikling panahon kaysa sa naunang naiulat na 19 araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

BASAHIN:  ₱125-M confidential funds ng OVP, ginastos sa loob ng 11 araw – Quimbo

Dahil dito, hindi na rin ipinursige ni Duterte ang ₱500 milyong confidential funds ng OVP, maging ang ₱150 milyong pondo ng Department of Education (DepEd) sa taong 2024. 

BASAHIN: VP Sara, ‘di na ipupursige ang confidential funds ng OVP para sa 2024

Sa parehong taon, napagdesisyunan ng Kamara, na pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez, na isasama ang nasabing panukalang 2024 confidential funds ng OVP at DepEd sa mga ahensyang nakatutok sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at may kinalaman sa “peace and order” ng bansa.

BASAHIN: ₱650-M confidential funds ng OVP, DepEd ililipat sa security agencies – House leader