November 23, 2024

Home BALITA National

'Mahirap ang trabaho!' PBBM, pinasalamatan si VP Sara bilang DepEd chief

'Mahirap ang trabaho!' PBBM, pinasalamatan si VP Sara bilang DepEd chief
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte/FB

Nagpahayag ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte dahil sa naging trabaho nito bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).

Sinabi ito ni Marcos sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Sabado, Hunyo 29.

"Mahirap ang trabaho ng DepEd. That's why we have to thank Inday Sara for, really, the effort that she put in," anang pangulo.

Matatandaang si Duterte ang nagsilbing kalihim ng DepEd mula nang manalo sila noong 2022 national elections. Samantala, nagbitiw siya sa posisyon noong Hunyo 19, 2024.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

MAKI-BALITA: VP Sara sa pagbibitiw bilang DepEd Secretary: ‘Hindi lulan ng kahinaan’

MAKI-BALITA: VP Sara, 'di raw nagpaliwanag kay PBBM sa pagbibitiw niya sa DepEd, NTF-ELCAC 

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo sa naturang pahayag nitong Sabado na kailangan pa niya ng mas mahabang oras upang piliin ang bagong kalihim ng ahensya.

"It turns out it's harder than I thought because we absolutely have to get it right. So I'm giving myself more time," saad ni Marcos.

MAKI-BALITA: PBBM, kailangan pa ng 'more time' para mapili bagong DepEd chief