December 22, 2024

Home BALITA

Hontiveros, umaasang tatakbo si De Lima bilang senador sa 2025

Hontiveros, umaasang tatakbo si De Lima bilang senador sa 2025
MB file photo

Umaasa si Senador Risa Hontiveros na ikokonsidera ni dating Senador Leila de Lima na tumakbong muli sa Senado sa darating na 2025 midterm elections.

Sa isang virtual press conference nitong Biyernes, Hunyo 28, sinabi ni Hontiveros na alam niyang bahagi ng misyon ni De Lima sa buhay ang bigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito, sinabi ng senadora na sana raw ay tumakbo si De Lima sa susunod na eleksyon at sumama sa oposisyon.

“Lagi niyang pinaaalala ‘yung hustisya rin para sa lahat ng mga nabalo at naulila dahil sa extrajudicial killings na iyan,” ani Hontiveros.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“Yes, I hope that she will also consider running again for the Senate. Bigyan lang natin siya ng pagkakataong pag-isipan po ‘yan sa mga araw na iyon,” saad pa niya.

Si De Lima, na kilalang kritiko ni Duterte, ay nahalal bilang senador noong 2016.

Samantala, nakulong siya noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.

Pinawalang-sala naman ng korte ang unang drug case ng dating senador noong 2021, habang ibinasura din ang ikalawa noong Mayo 2023.

MAKI-BALITA: De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case

Nobyembre 2023 naman nang payagan ng Muntinlupa court si De Lima na magpiyansa ukol sa naturang natitirang drug case, na ibinasura nitong Lunes.

Samantala, noon lamang Lunes, Hunyo 24, nang ibasura ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) ang ikatlo at huling kasong isinampa kay De Lima sa ilalim ng administrasyong Duterte kaugnay ng iligal na droga.

MAKI-BALITA: Leila de Lima, pinawalang-sala sa huling drug case

MAKI-BALITA: De Lima kay Duterte matapos maabsuwelto: ‘Kayo ngayon ang mananagot’