January 23, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Boy Dila' dinagsa ng fake booking, gustong ipadala sa WPS

'Boy Dila' dinagsa ng fake booking, gustong ipadala sa WPS
Photo courtesy: Gian Bangcaray via Balita (FB)/Boy Dila (FB)

"Dinogshow" at pinagtripan ng mga netizen ang viral "Boy Dila" na si Lexter Castro matapos mag-init ang ulo ng mga netizen dahil sa kaniyang pambabasa at pandidila sa isang rider sa "Wattah Wattah Festival" sa San Juan City gamit ang water gun, na mapapanood sa video ng isang nagngangalang "Gian Russel Bangcaray."

Tuwing sasapit ang Hunyo 24, taon-taong nagbabasaan ang mga residente sa San Juan City bilang paggunita at pagpupugay sa kanilang patron saint na si St. John The Baptist.

Matapos kuyugin ng mga netizen dahil daw sa nakababanas niyang behavior, naglabas ng video si Boy Dila na nagpapaliwanag kung bakit niya ginawa iyon. Mas lalong nabanas ang mga netizen dahil sa halip daw na humingi ng tawad ay nangatwiran pa siya.

Katwiran niya, hindi naman daw niya sinaktan ang delivery rider sa video kundi binasa lamang, at katwiran niya, iyon naman daw talaga ang ginagawa sa tuwing sasapit ang kanilang kapistahan.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Dagdag pa niya, kung ayaw sana mabasa nang araw na iyon, sana raw ay hindi na lamang sila dumaan sa nabanggit na lugar kung saan nagaganap ang basaan.

"Unang-una hindi ko sinaktan si Manong, binasa ko lang siya, nagpaalam ako sa kaniya, sabi ko 'Babasain kita' sabi niya 'Hindi puwede kasi may meeting siya' pero binasa ko pa rin siya kasi fiesta eh," aniya.

"Wag kayong dadaan ng San Juan kapag June 24, alam naman ng taumbayan 'yan," dagdag pa niya.

Sa inis ng mga netizen sa kaniya, bet daw siyang ipadala sa West Philippine Sea para gantihan ng water canon ang mga sundalong Chinese na nagbubuga ng tubig sa mga sundalong Pilipino.

Pinagtripan din siya ng mga netizen at nag-book ng iba't ibang items para sa kaniya, na idinedeliver naman ng mga rider. Kalat sa TikTok ang cellphone number at address niya kaya marami ang nag-effort na inisin siya.

Kung ano-anong bagay ang ipinadala sa kaniya gaya ng pagkain, mga kasangkapan sa bahay, pati yero, semento, at bakal pa raw.

Subalit panawagan naman ng mga netizen na huwag na sanang gawin ito dahil kawawa naman ang mga rider na hindi nababayaran dahil sa fake booking.

MAKI-BALITA: Viral 'Boy Dila' sa basaan: 'Wag kayo dadaan sa San Juan 'pag June 24!'