Naghayag ng pagkadismaya ang social media personality na si Bea Borres dahil sa mga netizen na tila inaabuso na ang pamamalimos sa kaniya.
Sa isang Facebook post ni Bea noong Biyernes, Hunyo 28, ibinahagi niya ang screenshot ng isang mensaheng natanggap niya kung saan nakasaad doon ang pakiusap ng isang 14-year old na batang humihingi ng tulong sa pagpapagawa ng bahay.
“So there’s this TikTok trend that’s been going around and I already chose a winner but I’ve still been getting so much dms and I think Eto na ata yung pinaka malala grabe!!” saad ni Bea.
“Ako, I try to help as much as I can pero wag po sana tayo maging abusado :(( Nakakasad lang na ganto ang mindset ng iba, manlimos!” aniya.
Dagdag pa niya: “Hay Nako if nakita niyo lang dms ko andami nang hihingi ng damit, iPhone, pera at kung ano ano pa Pero Hindi naman naka follow At hindi naman True supporter. Nakaka disappoint.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Bea. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"kalurks"
"Mga bata ngayon marunong na magdroga..nakakahiya amppp kasalanan yan ng magulang mo hindi nagpursige sa buhay tapos dito ka magiinasong pulubing namamalimos sosyal online pa hahaha"
"nakaka sad din na may taong namamalimos ng likes at follow para sa page nila tapos judgemental pag ibang tao nanghihingi."
"Dedmahin mo nalang bat need pa ipost "
"Dalawang pamilya naman pala e, edi kaya na nila yan. Magtulungan sila."