January 23, 2025

Home BALITA National

Toll fee sa Cavitex, suspendido simula Hulyo 1

Toll fee sa Cavitex, suspendido simula Hulyo 1
MB photo by Arnold Quizol

Magandang balita dahil magpapatupad ang Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex) ng 30-araw na toll holiday simula sa susunod na buwan.

Ito’y matapos na aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) nitong Huwebes ang isang board resolution na nagsususpinde sa toll fees sa expressway, simula sa Hulyo 1, 2024 na tatagal hanggang Hulyo 31, 2024.

Nabatid na sinang-ayunan ng TRB ang panukala ng Philippine Reclamation Authority (PRA)—may-ari ng property kung saan matatagpuan ang expressway—na may pahintulot ng Cavitex Infrastructure Corporation, isang unit ng Metro Pacific Tollways Corp., na nagpapatakbo ng Manila-Cavite Toll Expressway.

Nakasaad sa board resolution ang ‘temporary cessation’ o pansamantalang pagtigil ng toll collection activities, sa RFID man o cash, sa lahat ng segments ng Manila-Cavite Toll Expressway Project, sa loob ng 30 calendar days, epektibo sa 12:01AM ng Hulyo 1, 2024.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Matatandaang noong Hunyo 21, 2024, pormal nang binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Cavitex – C5 Link (R1 Expressway to Sucat Road, Paranaque), na naglalayong paluwagin ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

Ang 1.9-kilometer expressway ang siyang nagkukonekta sa Cavitex Radial Road 1 mula sa Parañaque Toll Plaza hanggang Sucat Interchange at inaasahang magbebenepisyo sa mahigit 23,000 behikulo kada araw.