November 22, 2024

Home SHOWBIZ

Babae, 15-anyos nang makipag-live in, pero hindi pa rin nagkatuluyan... anyare?

Babae, 15-anyos nang makipag-live in, pero hindi pa rin nagkatuluyan... anyare?
(screenshot ABS-CBN Entertainment/YT)

"Kaya pala maaga po kaming nagkakilala kasi hindi po kami magkasamang tatanda."

Dahil maagang naulila, maagang nakipag-live in si Cheng, guest sa It's Showtime, sa edad na 15-anyos. 

Sa isang episode ng 'EXpecially For You,' ibinahagi ni Cheng na 14-anyos siya at 15-anyos naman ang ex-boyfriend niyang si Russell nang mainlove sila sa isa't isa. 

Nagsama sila sa iisang bubong nang 15-anyos siya. Ang mga magulang mismo ni Russell ang kumupkop na rin sa kaniya at itinuring siyang tunay na anak. Doon niya nahanap ang aruga ng isang pamilya. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bagamat nagmahalan sa murang edad, pitong taon na magkasama, buo ang pagmamahal at suporta mula sa pamilya, nawala ang lahat sa isang iglap lang. 

Nauwi sa hindi inaasahang pangyayari ang relasyon nina Cheng at Russell. 

Kwento ni Cheng, pumanaw si Russell noong Marso 2023 dahil sa cardiac arrest.

"Last March 2023 po he passed away po dahil sa puso po niya. Normal day lang po iyon. Ang weird po kasi ang dami na naming napagdaanan, ang dami pong plano. Sa 7 years po namin parang wala na kaming problemang 'di masosolusyunan, parang kami na po kasi. Tapos one day, isang pitik lang wala na po," kwento ni Cheng.

"Si Russell po kasi mahilig magkutkot ng kung ano-ano. Nag-aayos po siya ng bumbilya po. No'ng araw na po na 'yon, ang dami na niya pong nagagawa. Mula umaga hanggang gabi ayaw niya pong magpahinga," dagdag pa niya.

Habang nag-aayos ng ilaw, sumigaw raw ng "aray" si Russell dahilan para tumumba ito.

"Pagkaharap ko [sa kaniya] iba na po 'yung kulay niya. Hindi ko po ma-explain kung anong pakiramdam pero parang ayoko ko pong isipin 'yung nasa utak ko kasi sino ba naman pong gustong isipin na wala na 'yung tao. Kasi iba na po talaga," paglalahad ni Cheng.

Ang akala nilang lahat ay nakuryente si Russell pero ayon daw sa autopsy, cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay nito.

"No'ng time na 'yon, wala po akong ibang nasabi sa isip ko kundi sabi ko 'Sell, mahal na mahal kita.' Paulit-ulit ko pong sinasabi sa kaniya," ani Cheng.

Hindi na rin nakasagot pa si Russell sa mga sinasabi ni Cheng dahil dead on arrival na raw nang makarating sila sa ospital. 

"Alam ko kasi 'pag wala na daw po 'yung tao, ang last na nawawala sa kanila is yung hearing daw po. So paulit-ulit ko lang po sinabi na 'Sell Mahal na mahal kita, 'wag mo kong kakalimutan' ganun.

"Actually, no'ng nawala po siya, 'di po ako nasaktan para sa sarili ko [dahil] iniwan niya ako. Nasaktan po ako kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa kaniya, kung okay lang ba siya doon, kung gusto niya ba doon. Kasi marami po siyang pangarap hindi lang para sa amin, hindi lang para sa pamilya niya. Sobrang dami po. Kaya sobrang sakit lang pong isipin na 'yung taong 'yon gustong-gusto po niyang mabuhay," kwento pa ni Cheng.

Kahit na wala na raw si Russell, nandyan pa rin 'yung pamilya niya para kay Cheng. At may isang bagay siyang napagtanto sa pagkawala ng dating nobyo.

"No'ng nawala po si Russell doon ko lang na-realize na kaya pala ganoon po kami nagmamadali, kaya pala gustong-gusto ko siya laging makasama kasi po sobrang iksi lang po pala ng panahon na magkakasama po pala kami. Kaya pala parang maaga po kaming nagkakilala kasi 'di po kami magkasamang tatanda po," saad ni Cheng.

Ngayon ay may bagong nakilala si Cheng sa katauhan ni Zhemin, 24, isang entrepreneur.