November 22, 2024

Home BALITA Metro

San Juan LGU, nag-sorry sa nangyaring kaguluhan sa 'basaan'

San Juan LGU, nag-sorry sa nangyaring kaguluhan sa 'basaan'
MB PHOTO BY MARK BALMORES

Humingi ng paumanhin ang lokal na pamahalaan ng San Juan tungkol sa umano'y nangyaring kaguluhan sa "basaan" noong kapistahan ni San Juan Bautista kamakailan.

Matatandaang kumakalat ngayon sa social media ang video kung saan puwersahang binabasa ng ilang kalalakihan at kabataan ang mga motorista. Mayroon pang binubuhusan ang mga nasa loob ng sasakyan.

Nagreklamo rin ang isang netizen sa social media dahil nasira daw ang kaniyang laptop at cellphone matapos daw buhusan ang loob ng sinasakyan niyang pampasaherong jeepney.

BASAHIN: Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

Mga Pagdiriwang

Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

Sa isang pahayag ng Tourism and Cultural Affairs Office ng San Juan nitong Huwebes, humingi sila ng paumanhin at anila, nangangalap sila ngayon ng mga ebidensya ng kaguluhan sa nabanggit na pista.

Sinusuri na rin anila ang mga isinumite sa kanilang mga video.

"Kami ay aktibong nangangalap ng ebidensya ng kaguluhan sa nasabing kaganapan. Ang mga isinumiteng video ay sinusuri upang matukoy ang mga lumabag sa City Ordinance No. 51, series of 2018, at iba pang umiiral na batas. Kung kayo ay may mga pruweba ng paglabag sa batas noong Hunyo 24, maaaring isumite ang ebidensyang videos o photos sa City Tourism and Cultural Affairs Office ng Lungsod upang ito ay maproseso at malaman ang pagkakakilanlan ng mga lumabag," anang San Juan.

"Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa mga naapektuhan ng kaguluhan ng ilang mga dumalo sa pagdiriwang. Tinitiyak namin na gagawin namin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang masigurong pananagutin ang lahat ng mga lumabag nang naaayon at upang hindi na ito maulit pa sa mga susunod na pagdiriwang," dagdag pa nila. 

KAUGNAY NA BALITA: Khimo Gumatay, nag-react sa video ng basaan sa pista ng San Juan