December 23, 2024

Home BALITA

Rep. France Castro, tatakbong senador sa 2025: ‘Para sa tunay na pagbabago'

<b>Rep. France Castro, tatakbong senador sa 2025: ‘Para sa tunay na pagbabago'</b>
Rep. France Castro (Courtesy: Act Teachers Party-List/FB)

Tatakbo si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro bilang senador sa midterm elections sa 2025.

Inanunsyo ito mismo ni Castro sa kaniyang talumpati sa ika-42 anibersaryo ng ACT nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Ayon sa teacher solon, nagdesisyon siyang tumakbo para sa Senado bilang sagot daw sa open letter na natanggap niya mula sa mga gurong nananawagan ng tunay na reporma para sa edukasyon.

"Gusto natin through the Makabayan, magkaroon ng alternative din sa eleksyon. Hindi tayo nasasapatan sa nangyayaring bangayan lang ng mga naghaharing uri: Marcos vs. Duterte at iba pa," ani Castro.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"May ibang oposisyon, pero gusto nating isulong ang tunay na pagbabago, kaya gusto natin magsulong ng isang Makabayan na alternatibo na tatakbo sa Senado. At ‘yun po, tinatanggap ko po ang hamon ng Alliance of Concerned Teachers at ng ating Sambayanan," saad pa niya.

Ang naturang pag-anunsyo ni Castro ay nangyari matapos niyang kondenahin ang pagtakbo bilang senador ng mag-aamang dating Pangulong Rodrigo Duterte, Congressman Paolo “Pulong” Duterte, at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte sa 2025.

MAKI-BALITA: Castro sa napipintong pagtakbo ng 3 Duterte sa Senado: 'Ginagawang negosyo'

Matatandaang noong Martes, Hunyo 25, nang kumpirmahin ni Vice President Sara Duterte na tatakbo bilang senador sa 2025 ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, maging ang kaniyang mga kapatid na sina Davao Congressman Paolo Duterte at Davao City  Sebastian Duterte.

MAKI-BALITA: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025