January 22, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan

Post ng nasiraan ng gadgets dahil sa 'Wattah Wattah' Festival ng San Juan, usap-usapan
Photo courtesy: Manila Bulletin/Screenshots from Gian Russel Bangcaray (FB)

Patuloy na bumubuhos ang reklamo sa naganap na "Wattah Wattah Festival" sa San Juan City kung saan taon-taon nang tradisyon ang basaan at sabuyan ng tubig sa mga residente gayundin sa mga nagdaraang motorista, para sa kapistahan ng kanilang patron na si Saint John the Baptist.

Isa na rito ang post ng isang netizen kung saan mababasa ang sitwasyon sa loob ng sinasakyang pampasaherong jeepney. Mababasa rito, nasira daw ang kaniyang laptop at cellphone matapos daw buhusan ng ilang "iskwater" sa kalsada ng San Juan ang loob ng sasakyan.

Gusto na raw silang banggain ng tsuper sa inis matapos itong sabuyan ng tubig sa mukha.

Ang mga estudyante raw na nakasakay ay halos maiyak na lang dahil nabasa ang school documents na ipapasa sana nila sa papasukang university.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Tatlong pinakamatatandang imahen ng Sto.Niño sa buong Pilipinas

May bata pa raw na muntikan nang malunod dahil sa walang tigil na pambabasa ng mga residente, matapos ibuhos ang halos isang drum ng tubig sa loob ng jeep. Galit na galit daw ang ina ng bata subalit pinagtawanan lang daw sila ng mga gumawa nito.

Sa kabuuan daw ay ₱40k ang halaga ng laptop na nasira at ₱23k naman sa cellphone.

"Sino ang dapat managot sa lahat ng mga sinira ng mga basurang tao na nambabasa sa kalsada?" saad ng netizen.

"Fuck San Juan Festival. Sana maglaho yang fiesta na yan.

Katja Soriano - | Facebook

Reaksiyon at komento ng netizens:

"Okay naman itong festival before, pinababoy lang ng generation ngayon."

"File a formal complaint , maybe try to write a letter to the Mayor of San Juan , worst case ma Media dahil marami sila na perwisyo na tao."

"Magreklamo po kayo sa Mayor ng San Juan its time na siguro na itigil na nila yang tradisyun nila na yan. Hindi na nakakatuwa. Nakakasakit na sila which is mali at hindi kaaya aya.."

"Yang mga ugaling squatter na walang disiplina. Hindi nila alam na nakakaperwisyo na sila. Sa totoo lang, yang tradisyon na yan ang pinaka worst para sakin."

"I think it’s time na para i-reconsider ni Mayor on how we express our traditions without negatively impacting others. Mag celeb nalang in one place sa San Juan (not the whole San Juan) na allowed mamasa nang joiners or the peeps na involved sa fiesta. Tapos siguro dapat well informed mga tao especially sa commuters na may important na pupuntahan na wag doon dadaan so di sila mababasa. "

Matatandaang nagbigay rin ng kaniyang reaksiyon dito ang "Idol Philippines Season 2" grand winner at "ASAP Natin 'To" singer na si Khimo Gumatay.

MAKI-BALITA: Khimo Gumatay, nag-react sa video ng basaan sa pista ng San Juan

Samantala, sa isang opisyal na pahayag ay naglabas na rin ng public apology ang lokal na pamahalaan ng San Juan patungkol dito.