November 22, 2024

Home BALITA National

Mga kaso ng leptospirosis sa 'Pinas, tumataas--DOH

Mga kaso ng leptospirosis sa 'Pinas, tumataas--DOH
MB FILE PHOTO

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na nakakapagtala sila ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa Pilipinas bunsod ng mga pag-ulan at pagbaha.

Batay sa isinasagawang WILD (Water-borne illness, Influenza-like Illness, Leptospirosis, and Dengue) monitoring ng DOH, naobserbahan umano nila na sa Morbidity Week 24 (Hunyo 15, 2024), ang kabuuang bilang ng mga kaso ng leptospirosis ay nasa 878 na.

Bagamat ito ay kalahati lamang anila ng bilang ng 1,769 leptospirosis cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, naobserbahan naman ng DOH na nagsisimula nang tumaas ang weekly case count ng sakit dahil sa mga pag-ulan.

Ayon sa DOH, mula sa anim lamang na naitala noong Mayo 5-18, umabot na sa 60 ang kasong naitala noong Mayo 19 hanggang Hunyo 1, na sinundan ng 83 kaso na naobserbahan naman mula Hunyo 2 hanggang 15.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Maaari pa naman umanong madagdagan ang naturang case counts sa sandaling pumasok na ang mga naantalang ulat hinggil dito.

Anang DOH, maliban sa Zambonga Peninsula at Northern Mindanao regions, lahat ng rehiyon ay nakapagtala nang pagtaas ng leptospirosis cases mula sa nakalipas na buwan.

Nakapagtala na rin umano ang DOH ng 84 kaso ng pagkamatay dahil sa leptospirosis hanggang noong Hunyo 15 lamang.

Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na naililipat sa tao ng iba’t ibang hayop, gaya ng daga, sa tao, sa pamamagitan ng kanilang waste products, gaya ng ihi at dumi, na nahahalo sa lupa, tubig at vegetation.

“Leptospirosis is a zoonotic disease (affecting both animals and humans) caused by the Leptospira bacterium found in contaminated water or soil. Leptospira bacteria can enter the body through breaks in the skin, or through the eyes, nose and mouth. Infected animal urine like those from infected rats can mix with flood water, which then comes into contact with people wading through or playing in it,” dagdag pa ng DOH.

Nagbabala rin ang DOH na kung hindi maaagapang lunasan, ang leptospirosis sa tao ay maaaring magresulta sa pagkasira ng bato o kidney damage, meningitis o pamamaga ng membrane sa paligid ng utak at gulugod, gayundin ng liver failure, hirap sa paghinga at maging kamatayan.

Ilan umano sa mga sintomas ng leptospirosis ay lagnat, pagsusuka, pagduduwal, pananakit ng muscles at pananakit ng ulo.

“Some cases have distinct pain in the calf muscles, and reddish eyes. Severe cases may have jaundice (yellowish body discoloration), dark-colored urine, light-colored stool, low urine output, and severe headache. Many of these symptoms can be mistaken for other diseases; some people have no symptoms,” anang DOH.

Karaniwan na umanong inaabot ng dalawa hanggang 30-araw bago makita ang sakit matapos na magkaroon ng kontak sa bacteria na nagdudulot ng leptospirosis.

Dahil dito, kailangan umanong kaagad na kumonsulta sa doktor sakaling lumusong sa tubig-baha upang mabigyan ng doktor ng preventive antibiotic prescription.

“Umiwas lumusong o maglaro sa baha para wag ma-Lepto. Kung hindi maiwasan ang paglusong, gumamit ng bota, at hugasan agad ang katawan ng malinis na tubig at sabon pagkatapos. Kumonsulta sa doktor, mahirap na,” payo naman ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa.

Aniya pa, “We also urge our local governments to declog flood drains and implement rodent control so that there will not be less chances for transmission to humans.”