November 23, 2024

Home BALITA Eleksyon

'Maaga pa!' PBBM, nagkomento sa plano ng pamilya Duterte sa eleksyon

'Maaga pa!' PBBM, nagkomento sa plano ng pamilya Duterte sa eleksyon
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Nagbigay ng komento si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa plano ng mag-aamang sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Congressman Paolo Duterte, at Davao City Mayor Baste Duterte na tumakbong senador sa 2025 midterm elections.

Matatandaang noong Martes, Hunyo 25, nang kumpirmahin ni Vice President Sara Duterte na tatakbo bilang senador sa 2025 ang kaniyang ama at dalawang kapatid.

MAKI-BALITA: Tatlong Duterte, tatakbo sa pagka-senador sa 2025

Sa isa namang panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Hunyo 27, sinabi ni Marcos na “free country” ang Pilipinas kaya’t maaari raw gawin ng mga ito ang mga nais nilang gawin. 

Eleksyon

George Garcia sa eleksyon sa Pilipinas: 'Walang natatalo, lahat nadadaya'

"It’s a free country. They’re allowed to do whatever they want," ani Marcos.

Samantala, iginiit ng pangulo na sa Oktubre pa raw malalaman kung magiging totoo ang sinasabing plano ng mga Duterte na sabay-sabay silang tatakbo para sa Senado sa 2025.

"I really have no reaction to it, besides, it’s still early. We’re talking about 2028, madami pa pangyayari between now and 2028. And the only real situation will become clear in October, during the filing," giit ni Marcos.

"Then we will see really kung tatakbo ba talaga, sino ba talaga tatakbo, sino, kanino sasama, which parties are involved, which parties are in alliance, dun lang natin makikita sa Oktubre so all of this announcements, tingnan natin kung matutuloy pagdating sa Oktubre," saad pa niya.

Matatandaang sina PBBM at VP Sara ang running mates noong 2022 national elections sa ilalim ng “UniTeam.”

Samantala, muling naging usap-usapan ang pagkabuwag umano ng UniTeam matapos magbitiw ni VP Sara bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), at hindi raw nito pinaliwanag kay PBBM ang dahilan ng kaniyang naturang desisyon.

MAKI-BALITA: VP Sara, 'di raw nagpaliwanag kay PBBM sa pagbibitiw niya sa DepEd, NTF-ELCAC